^

Punto Mo

Embalsamador  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

(Ayon sa salaysay  ng isang anak ng may-ari ng pune­rarya.)

PUNERARYA ang negosyo ng aking mga magulang noong 1978 sa isang probinsiya sa North. Malaki ang bahay namin kaya ito ay hinati at inilaan sa aming negosyong funeral parlor. May secret door sa aming bahay patungo sa embalming room, display room ng mga kabaong, chapel at pagawaan ng kabaong. Ang kuwentong multo? Pinagtatawanan ko lang ‘yan. Kung totoong may multo, bakit wala akong nakikita samantalang napapaligiran ako ng mga bangkay araw-araw.

Isang tanghali, hinahanap ko si Papa dahil hihingi ako ng pambayad sa gown na ipinatahi ko para sa JS Prom. Wala siya sa aming bahay kaya naisipan kong dumaan sa secret door at hanapin siya sa embalming room. Narinig ko noong umaga na may bagong dating na bangkay at sinu-supervise niya ang bagong embalsamador. Nasulot kasi ng mas malaking punerarya ang mahusay naming embalsamador.

“Papa! Papa! Where are you?” Napatigil ako sa pagtawag sa aking ama dahil may narinig akong ungol. Maingat kong iniangat ang pintuan ng embalming room at saka sumilip. Muntik na akong mapasigaw sa aking nakita. “Oh my God, nakikipag-sex ang bagong embalsamador sa bangkay!!!”

Pinalipas ko ang ilang oras. Nagbalik akong muli sa embalming room nang maseguro kong umuwi na ang embalsamador. Gusto kong makita ang kawawang bangkay na sinalbahe ng walanghiyang iyon. Maputi ang babae at balingkinitan ang katawan, kamukha ng isang artistang sumikat noong 70s. Hinaplos ko ang ulo ng babae at kinausap: “Kawawa ka naman Miss, hayaan mo, isusumbong ko kay Papa ang rapist na iyon. Pasensiya ka na. Dito pa sa aming funeral parlor nangyari ang lahat. Sige bye and sorry.”

Pamahiin namin ang pagkausap sa lahat ng bangkay na dinadala sa aming funeral ­parlor. Kinakausap namin sila upang sabihin na nakikiramay kami sa kanilang pagpanaw. Nagreresulta raw iyon ng good karma. Pagkarating ni Papa ay isinumbong ko agad ang nakakarimarim na pangyayari. Kinabukasan ay sinisante kaagad ang rapist ng patay. Hindi na sinabi ni Papa sa mga kamag-anak ang nangyari. Para ano pa? Lalo lang madadagdagan ang lungkot sa kanilang puso. Bilang bahagi ng pagso-sorry sa magandang bangkay, ako ang nagprisintang mag-make up dito. Nagkataong may sakit  ang make-up artist. Sobrang tuwa ang nadama ng mga kamag-anak nang makita nila ang magandang make-up ng babaeng bangkay na Mariz pala ang pangalan, dalaga at sakit sa puso ang ikinamatay.

Lumipas ang isang buwan, nakalimutan ko na ang pangyayaring iyon. Isang gabi iyon na nag-iisa ako sa bahay. Ang tanging kasama ko ay guwardiya na nasa display room ng mga kabaong. Malayo rin ang distansiya namin sa isa’t isa. Biglang lumitaw sa aking bedroom ang walanghiyang rapist ng patay. Galit na galit ito: “Sumbungera ka! Kasalanan mo kaya nawalan ako ng trabaho. Wala nang tumanggap na punerarya sa akin dahil itinimbre ng iyong ama na mahilig akong makipag-sex sa patay.”

Tumakbo ako malapit sa tokador dahil naroon ang aking hair spray na puwede kong iisprey sa kanyang mata. Pero nakalapit ang embalsamador at sasaksakin na sana ako nang bigla itong napatingin sa salamin ng tokador. Napaurong ito at takot na takot na tumalon sa bintana ng kuwarto. Nakatalikod ako sa salamin kaya lumingon ako para tingnan kung ano ang nakita ng walanghiya. Wala akong nakita.

Paglagpak ng embalsamador sa lupa, nakita siya ng guard at binaril  sa paa upang hindi makatakbo. Sa bandang huli ay ipinasok siya mental  dahil lagi itong sumisigaw sa takot habang nasa selda at sinasabing minumulto raw siya ng babaing “sinalbahe” niya sa aming funeral parlor. Kung ganoon, si Mariz ang nagpakita sa salamin. Iniligtas ako ng magandang bangkay.

vuukle comment

FUNERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with