^

Punto Mo

Empleyadong hindi naman kasali sa union, maari bang kaltasan ng union dues?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mayroon pong unyon sa kompanyang pinapasukan ko. Maari bang kaltasan ang sahod ko para sa union dues kahit hindi naman nila ako miyembro at nang wala naman akong ibi­nibigay na permiso? —Danny

Dear Danny,

Sa ilalim ng Article 248 (e), kinikilala ng Labor Code ang karapatan ng mga union na mangolekta ng union dues kahit mula sa mga hindi nila miyembro.

Maaring kaltasan ang sahod ng empleyadong hindi naman miyembro ng union ng kung (1) ang union ay ang siyang kinikilalang collective barganining agent na nakikipagnegosasyon sa employer para sa benepisyo ng mga empleyado at (2) tinatanggap naman ng empleyado ang mga benepisyong naging bunga ng pakikipagnegosasyon na ito ng union kahit hindi naman siya miyembro nito.

Sa ganitong pagkakataon, hindi na kailangan ng written authorization mula sa empleyado para kaltasan ang kanyang sahod kung tinatanggap naman niya o nakikinabang siya sa mga benepisyo na resulta ng pagkikipagnegosasyon ng union.

Ayon kasi sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Holy Cross of Davao College, Inc. v. Hon. Joaquin [331 Phil. 680, 692 (1996)], magiging unjust enrichment o hindi makatwirang pagpapayaman kung makikinabang sa mga benepisyong bunga ng pakikipagnegosasyon ng union ang mga hindi naman miyembro­ nito at hindi naman kinakaltasan ng union dues o fees ang kani­lang sahod.

Kaya alamin mo muna kung ang union na tinutukoy mo ay ang siyang kinikilalang collective bargaining agent ng mga empleyadong katulad mo at kung ikaw ba ay kasalukuyang nakikinabang sa mga benepisyong naitaguyod nila bunsod ng kanilang pakikipagnegosasyon sa kompanya. Kung oo, maaring kaltasan ang sahod mo kahit hindi ka naman miyembro ng union at kahit walang permiso mo. Kung hindi naman, hindi maaring basta-basta bawasan ang sahod mo.

UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with