^

Punto Mo

Pintura

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TATLONG buwan nang naililibing ang siyam na taong gulang na si Jason Fallows ng South Carolina ngunit ang private detective na binayaran ng magulang ni Jason na si Matt ay wala pa ring makuhang “lead” kung sino ang naka-hit and run sa bata. Sa tindi ng impact, ang blue paint ng sasakyang nakasagasa sa bata ay kumapit sa ulo nito, kaya iyon lang ang kaisa-isang “lead” na magtuturo kung sino ang salarin.

Habang inaasikaso ang kaso, abala ang magulang ni Jason na humingi ng permit sa kanilang mayor para makapagpatayo ng memorial sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Ang memorial ay ipapangalan kay Jason. Lalagyan ito nang malaking babala para sa mga motorista at tumatawid na mag-ingat dahil marami na ang nasagasaan. Ngunit binara lang sila ng city administrator.

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan ninyong mag-asawa pero hindi ganoon kasimple ang pagpapagawa ng memorial. Kailangan muna itong aprubahan ng konseho dahil kadalasan, ang isang tao ay iginagawa ng memorial kung namatay siya dahil sa kabayanihan.”

Pagkaraan ng isang linggo, sa buong pagtataka ng mag-asawa, dumating ang permit na pirmado ng mayor. Pinapayagan na silang magtayo ng memorial. Sa araw ng pasinaya, ang buong pamilya ni Jason, detective Matt at mga kaibigan ay sabay-sabay na nag-alay ng panalangin sa kaluluwa ni Jason.

Habang nakatungo ang lahat at nagdadasal, biglang humangin nang napakalakas. Sa sobrang lakas, ang mga korona na nakapalibot sa monumento ay lumipad at sumalpok sa humaharurot na kotse. Humarang ang korona sa view ng driver kaya nagpagewang-gewang ang kotse at bumaliktad. Duguan ang driver nang isugod sa ospital.

Biglang napapitlag si Detective Matt nang mapansin niyang kulay blue ang kotse. Agad niyang kinaskas ang pintura para magsilbing sample na ipapa-lab test sa FBI. Titingnan niya kung magma-match ito sa pinturang dumikit sa katawan ni Jason.

Positive. Nag-match ang pintura ng kotse sa pinturang dumikit sa ulo ni Jason. Bago malagutan ng hininga ang driver, inamin niyang siya ang nakasagasa kay Jason. Ang isa pang nakakapagtaka, walang ibinibigay na permit ang mayor na magtayo ng memorial. Pero nang ipasuri ang pirma, ito ay authentic ngunit sumusumpa ang mayor na wala siyang pinirmahang permit. Magkaganoon pa man, hinayaan na lang na nakatayo roon ang monumento.

PAINT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with