^

Punto Mo

Lalaki na ‘no girlfriend since birth’, nagpaanunsiyo sa billboard para makahanap ng siyota!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG binata sa England ang ipina-advertise ang sarili sa isang billboard dahil gusto na niyang maranasan na magkaroon ng girlfriend!

Laging bigo sa pagkakaroon ng kasintahan ang 23-anyos na si Ed Chapman mula Leeds. Sinubukan na niya lahat ng kumbensiyonal na pamamaraan ng paghahanap ng girlfriend tulad ng pakikipag-socialize sa mga bar, club at mga party pati na rin ang paggamit ng dating apps.

Dahil desperado na siyang mahanap ang kanyang “the one”, nagrenta si Chapman nang malaking billboard para ianunsiyo na siya’y single and ready to mingle. Nakapuwesto ang billboard sa m621 motorway, isang major road na dinaraanan ng mga motorista na taga-Leeds, West Yorkshire.

Makikita sa billboard ang litrato ni Chapman na nakasuot ng suit at may hawak na mga bulaklak. May salitang “Date Me” sa itaas ng billboard upang ipaalam na naghahanap siya ng makaka-date. Sa ilalim naman nito ay ang contact information ni Chapman na [email protected].

Malaking pera ang inilabas ni Chapman sa pagrenta ng digital billboard pero hindi niya pinagsisihan ang bawat sentimo na kanyang nagastos dahil ilang oras lamang matapos lumabas ang kanyang ­anunsiyo, maraming kababaihan ang agad tumugon dito.

Ang mga nagpakita ng interes makipag-date kay Chapman ay may mga edad na 18 hanggang 48. Dahil sa positibong tugon ng mga kababaihan sa kanyang billboard, naging malaki na ang pag-asa ni Chapman na magkakaroon na siya ng girlfriend.

vuukle comment

GIRLFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with