^

Punto Mo

Bermuda grass

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Henry ay limang taon nang biyudo nang makilala niya si Amor sa isang restaurant na pinagsisilbihan nito bilang waitress. Umaangkat ng alak si Henry sa iba’t ibang bansa upang isuplay sa mga mamahaling restaurant, hotel at wine store dito sa Pilipinas. Nakilala niya si Amor sa isang restaurant na pinagsusuplayan niya ng alak. Wala pang isang taon na nagkakilala, nagpasya ang dalawa na magpakasal sa kabila ng pagtutol ni Gino, ang kaisa-isang anak na binata ni Henry. Sobrang nagtampo si Gino sa ama kaya tinanggap nito ang offer na magtrabaho sa Singapore. Pagkaraan ng limang taong walang communication, nalaman na lang ni Gino na nakakulong ang kanyang ama at may malalang sakit. Agad siyang umuwi sa Pilipinas at nagdiretso sa kinaroroonang kulungan ng ama. Napahagulgol nang iyak si Gino nang tumambad sa kanya ang halos kalansay na katawan ng ama.

“Dad, anong nangyari? Bakit ka nagkaganyan?”

“Si Amor, ang walanghiya, may asawa pala. Gumawa ng paraan ang dalawa na i-framed up ako at palabasing drug smuggler, para agawin ang mga kliyente ko at solohin ang pagiging supplier ng imported wine. Sa sobrang pagdadalamhati, ito nangyari sa akin, bumalik ang aking cancer sa colon... I’m sorry anak. Pinakinggan sana kita. Hindi na sana ako nag-asawang muli.” May sasabihin pa sana si Henry ngunit namilipit na ito sa sakit ng tiyan.

Sa ospital, bago malagutan ng hininga, ibinulong ni Henry kay Gino: “Sayang, pakiramdam ko ay hindi na ako magtatagal. Wala na akong panahon para linisin ang aking pangalan. Pero isinusumpa ko anak, kahit nasa kabilang buhay na ako, lilinisin ko ang aking pangalan, para sa iyo at sa mga magiging apo ko. Ayokong isipin nila na smuggler ang kanilang lolo.”

Tuwing dadalaw si Gino sa puntod ng ama ay napapansin niyang sa halip na kumapal ang Bermuda grass na nakatanim sa paligid nito, ito ay natutuyo. Ilang ulit na niya itong pinataniman ngunit natutuyo lang. Isang umaga ay may natagpuang babaeng nakayukayok sa puntod ni Henry. Noong una, akala ay lasing na nakatulog lang ang babae na nakahilig sa mismong puntod. Pero nang siyasatin ng caretaker ng sementeryo, patay na pala ito. Ipinagbigay alam ito kay Gino at agad naman itong nakasugod sa sementeryo. Siya ang nag-identify sa bangkay, iyon si Amor na kanyang stepmother. Atake sa puso ang ikinamatay ni Amor. Sa kinalugmukan ng bangkay ni Amor, may liham na natagpuan sa kanyang tabi. Letter of confession niya na nagsisiwalat ng katotohanan na hindi smuggler si Henry. Ang totoong drug smuggler ay ang kanyang asawa. Nakalista sa liham ang address ng hideout nito na makapagpapatunay ng kanyang sinasabi. Ginagawa lang front  ang pag-aangkat ng alak. Ang liham na iyon ang nagbura ng lahat ng dungis na ikinulapol sa magandang pangalan ni Henry.

Ayon sa katulong ni Amor, simula nang namatay si Henry, lagi raw itong balisa hanggang sa nawala na sa kanyang sarili. Lagi raw itong sumisigaw ng: “Sasabihin ko na ang totoo! Henry patawarin mo na ako!” Nahuli ang asawa ni Amor at nahatulan ng habambuhay na pagkakulong.

Isang linggo pagkaraang matagpuan ang bangkay ni Amor sa puntod ni Henry, biglang may tumubong Bermuda grass sa paligid kahit walang itinatanim ang caretaker.

GRASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with