^

Punto Mo

Sindikato sa text scam, liliit na ang mundo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pasado na  sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang SIM (Subscriber Identity Module) Card Registration Bill.

Mukhang liliit na ang mundo ng sindikatong sangkot sa text scam.

Ito kasi ang layon ng naaprubahang House Bill No. 14 o panukalang SIM Card Registration, na masawata ang luma­laganap na text scam at iba pang illegal na aktibidades kung saan gamit ang mobile phones.

Sakaling tuluyan nang maging batas, oobligahin ang SIM card subscriber na irehistro ang kanilang prepaid o postpaid SIM.

Sa ganitong paraan madaling matutunton ang mga kawatan na may iba’t ibang modus gamit ang mobile phones.

Maging ang mga SIM cards na naibenta na o naisyu at ginagamit na ay kasama pa rin sa irerehistro.

Napapanahon na umano upang maging ganap na batas ang SIM card registration bill.

Aba’y ayaw kasing tumigil ang mga kawatan na sangkot dito, namamayagpag at lume-level up nga.

Talagang nakakabahala na ang ganitong pangyayari at matinding pag-aksyon talaga ang kaila­ngan para ito malabanan.

Malaki ang maitutulong ng SIM card registration kasi nga malalaman kung sino ang nagmamay-ari ng SIM card na ginagamit sa panloloko at pandodorobo.

Hindi nga ba’t kung dati eh messages lang ang kadalasang natatanggap, kung baga random, pero ngayon alam na ang pangalan nang pinadadalhan.

Pansamantala habang hindi pa tuluyang nagiging batas, gaya ng dati kanya-kanya munang ingat.

Kung sabagay dahil sa patuloy na mga paalala natututo na ang marami, pero may ilan na nalulusutan pa rin.

 

vuukle comment

TEXT SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with