^

Punto Mo

IAS chief, kinasuhan ng sexual harrassment sa Ombudsman!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KINASUHAN ng kanyang empleyada ng sexual harrassment sa Ombudsman si Atty. Alfegar Triambulo, ang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police. Simula na kaya ito ng unos sa buhay ni Triambulo? Kasi nga mga kosa, magaling mag-imbestiga at mag-dismiss ng mga pulis na may kaso si Triambulo subalit sa ngayon siya naman ang lilitisin ng Ombudsman. Hehehe!

Ayon kay Atty. Ariel Radovan nagsampa sila ng kaso ng kliyente niya na si Genevieve Lipura dahil hindi na matiis ng huli ang pagmamalabis sa kanya ni Triambulo. Nais din ni Radovan na suspendihin muna si Triambulo sa puwesto niya habang dinidinig ang kaso sa Ombusdman tulad ng ginagawa niya sa mga pulis na iniimbestigahan n’ya. Eh di wow!

Itong IAS mga kosa ay nasa umbrella ng PNP subalit ayon sa batas ang hepe nito ay dapat sibilyan. Kaya inaabangan ng kampo ni Radovan kung ano ang magiging aksiyon ni PNP chief Gen. Jun Azurin laban kay Triambulo dahil hindi maganda sa imahe ng IAS na may kaso ang hepe nila habang hinahabol nila ang mga may kasong pulis, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Ikumpas mo na ang kamay na bakal mo Gen. Azurin Sir dahil inaabangan ng mga pulis ang aksiyon mo vs Triambulo. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanyang affidavit-complaint, sinabi ni Lipura na halos 20 years na siya sa IAS dahil nagsimula siya dito bilang Planning Officer 1 na may salary grade 11. Noong 2010, na-promote siya bilang Human Resource Management Officer sa salary grade na 18. Sa kasalukuyan, siya’y  nasa plantilla position na Administrative Officer V (HMRO lll). Aniya, nakuha niya ang kanyang career growth bunga sa namumuong “conducive and healthy working envorinment” sa IAS.

Subalit nabago ang takbo ng buhay ni Lipura nang maupo sa trono ng IAS si Triambulo dahil sa walang katapusang transfer ng assignment niya kahit plantilla job-item o station specific ang puwesto niya. Ang lahat ng tranfers niya ay walang consent n’ya at ang nilandingan niya ay hindi related sa trabaho niya bilang HRMO. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Namemohan din si Lipura dahil sa 116 absences n’ya mula 2017 hanggang 2020, kasama sa bilang ang holiday. Dipugaaaaa!

Ang last straw ay nang si Lipura, na may salary grade 18, ay na transfer bilang computer operator na may salary grade 9 na maliwanag na demotion. Para matapos na ang kalbaryo niya, minabuti ni Lipura na kausapin si Tiambulo at nagkita naman sila sa isang restaurant sa Quezon City.

Sa kanilang usapan, isiningit ni Triambulo na «kung may girlfriend siya, hindi niya binubuntis. Pinauna ni Triambulo ang kanyang driver at nag-suggest na pumunta sila sa ibang lugar. At nang tumanggi si Lipura, ang sabi ni Triambulo ay «nagdala pa naman ako ng jacket,» na ang sa isipan ng complainant ay condom ang tinutukoy niya. Habang sakay sila sa kotse, nagsalita pa si Triambulo na “sige na Jen, iligo mo lang ‘yan.” Sa pagbaba niya sa Camp Crame, humirit pa si Triambulo ng isang kiss na hindi din pinaunlakan ni Lipura dahil may asawa siya at isang anak. Ano ba ‘yan?

Si Triambulo mga kosa ay presidential appointee. Ang tanong, bakit hindi niya sinunod ang panawagan ni President Bongbong Marcos noong Hunyo na ang lahat ng presidential appointee ay lumayas sa kanilang puwesto? Abangan!

SEXUAL HARRASSMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with