^

Punto Mo

EDITORYAL - Basura ang sumisira sa Dolomite Beach

Pang-masa
EDITORYAL - Basura ang sumisira sa Dolomite Beach

SAYANG ang Dolomite Beach na nasisira dahil sa tone-toneladang plastic ng basura na sumasadsad dito. Ang mga basura ay galing sa estero, ilog, sapa sa Maynila at mga bayan na nakapaligid sa Manila Bay. Ang Dolomite Beach ay kabilang sa Manila Bay beautification project ng nakaraang Duterte administration na ginastusan ng P389 milyon. Tinambakan ng puting buhangin na galing pa ng Cebu beach para magmistulang Boracay. Hinakot ng mga barge ang puting buhangin patungong Manila Bay.

Noong nakaraang taon binuksan sa publiko ang Dolomite Beach sa kabila na may pandemya. Mara­ming nag-picture-picture. Dinagsa at pinagkaguluhan ng mga tao na nasabik makaraang makulong sa lockdown. Hanggang sa isara muli dahil maraming lumalabag sa health protocols. Ang iba ay walang face mask at dikit-dikit ang mga tao na para bang walang nanalasang virus.

Ngayon ay isinara na muli ang Dolomite Beach hindi dahil sa pinagkakalipunpunan ng mga tao kundi dahil sa tambak ng mga inanod na basura. Nang manalasa ang mga Bagyong Florita at Henry, toneladang basu­rang plastic ang inanod sa dalampasigan. Ang maputing buhangin ng Dolomite Beach ay nangitim na dahil sa nakatambak na mga basura.

Mga basura na gaya ng single-use plastic, sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng noodles, plastic bottle ng softdrinks at iba pa. Ang mga basura ay iniluwa ng mga ilog, sapa at estero sa Manila Bay. Ginawang basurahan ang karagatan ng mga walang disiplinang mamamayan.

Pinagtutulungang linisin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang baybayin ng Dolomite Beach.

Nakadidismaya lang na pagkaraang gastusan ng milyon ang Dolomite Beach, magiging hantungan lang pala ng basurang plastic. Hindi rin mapakinabangan dahil kailangang linisin para gawing pasyalan. Magkaroon ng kampanya ang DENR at MMDA na maghigpit sa pagtatapon ng basura para hindi maging bagsakan ang ginastusang beach.

Para hindi masayang ang ginastos sa beach, taniman ng mga bakawan ang paligid ng mamahaling beach para maharang ang mga basura. Kapag nagawa ito ng DENR at MMDA, pupurihin sila sapagkat maisasalba ang Dolomite Beach sa pagkasira.

DOLOMITE BEACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with