Tinedyer sa U.S. na may pinakamalaking bunganga sa mundo noong 2020, lalong lumaki ngayong 2022!
ISANG teenager sa Minnesota ang tumalo sa sarili niyang Guinness World Record nang madagdagan ang laki ng kanyang bunganga ngayong 2022!
Taong 2019 unang nasungkit ni Isaac Johnson ang Guinness World title na “Largst Mouth Gape (male)” dahil sa sukat ng kanyang bunganga na 3.67 inches. Mabilis nawala kay Johnson ang titulong ito nang talunin siya ni Philip Angus na ang sukat ng bunganga ay 3.75 inches.
Nabawi ni Johnson ang Guinness title noong 2020 nang lumaki pa lalo ang kanyang bunganga sa sukat na 4 inches. Upang hindi na makuha pa ng iba ang titulong pinakamalaking bunganga sa buong mundo, nagpaunlak na maging panauhin si Johnson sa Italian TV show na Lo Show Dei Record at doon muling sinukat ang kanyang bunganga para talunin ang sarili niyang record.
Sa muling pagsukat sa bunganga ni Johnson, napag-alaman na mas lalo pa itong lumaki at may sukat na itong 4.014 inches.
Sa sobrang laki ng bunganga ni Johnson, kaya niyang kagatin nang walang kahirap-hirap ang apat na pinagpatung-patong na cheeseburger. Dahil sa talentong ito ni Johnson, marami na siyang followers sa TikTok kung saan may 74 million views na ang kanyang videos.
- Latest