‘Plagiarism’
Nanggaya ng PhD thesis
Noong Hunyo 18, 2012, inakusahan si Romanian Prime Minister Victor Ponta na kinopya ng huli ang kanyang 2003 PhD thesis. Sa kabuuang 307 pahina ng thesis ni Ponta, ang 85 pages ay pulos kinopya mula sa trabaho ng ibang tao nang wala man lang acknowledgement sa mga orihinal na awtor.
Napatunayan ng National Council for Attesting Titles, Diplomas and University Certificates na totoong nagkasala ng plagiarism si Ponta. Ipinag-utos ng committee na bawiin sa kanya ang PhD title na ipinagkaloob ng University of Bucharest. Ngunit sa hindi maintindihang dahilan, napawalang sala si Ponta sa tulong ng kanyang Education Minister, kasunod ang pag-dissolve sa National Council for Attesting Titles, Diplomas and University Certificates.
Nanggaya ng speech
Si Owen Lippert ay speech writer ni Canada Prime Minister Stephen Harper ng Conservative Party. Isa sa kanyang duty ay magsulat ng speech para sa Prime Minister. Noong Marso 20, 2003, iginawa niya ng speech si Harper para sa nalalapit na election. Ngunit ilang linggo bago ang election, napansin ng kalabang partido, ang Liberal Party, na ang speech ni Harper ay kagayang-kagaya ng speech ni Australian Prime Minister John Howard na nag-speech sa Canberra dalawang araw bago mag-speech si Harper.
Upang mapatunayan na may panggagayang nangyari, kinuha ng Liberal Party ang video ng speech ng Australian Prime Minister at video ng speech ni Harper. Parehong ipinakita ang video ng speech ng dalawang Prime Minister at nakitang word-for-word ang ginawang pangongopya ni Lippert. Siya ay humingi ng tawad at kaagad nag-resign.
- Latest