Psychological facts
• Ang mga taong mabilis makahalata ng sarkastikong komento sa kanya ng ibang tao ay isa sa mga senyales na siya ay matalino.
• Mas matinding magpaadik ang chocolate at shopping kaysa LSD. LSD stands for lysergic acid diethylamide or illegal street drug.
• Ayon sa mga researchers ng Harvard University: Ang taong mabilis maabala kahit sa kaunting ingay lang ay mas mataas ang level ng pagiging malikhain.
• Ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ay nakakapagpalabas ng chemical sa ating utak na nagiging dahilan para sumaya ang isang tao at humaba ang buhay.
• Automatic na hinuhusgahan tayo ng ibang tao sa ating panlabas na anyo. Tapos saka lang nila titingnan ang uri ng ating pagkatao.
• May taong ang laging iniisip ay mga negative thoughts. Sisihin mo ito sa “genes” na nasa katawan mo. Maaaring ito ay genetic trait ng iyong magulang na namana mo lamang.
• Ang sakit na nadarama ng taong binabalewala ng kanyang minamahal ay kasing kirot kapag nasugatan ang katawan.
• Hindi nakukuntento ang isang tao kung magkaibigan lang ang level ng relasyon niya sa opposite sex. Ang gusto nila ay mas higit pa roon. Kaya kung may best friend kayong opposite sex, tiyak na ang isa sa inyo ay nagpapantasya na mag-level up ang inyong relasyon nang higit pa sa magkaibigan. Ang lalaki at babae ay nilikha para maging mag-asawa at magkaanak; at hindi para maging magkaibigan lang.
- Latest