^

Punto Mo

Nakasosorpresang kaalaman tungkol sa ‘tulog’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Noong bata pa ang mundo, may “two sleeps per night” ang mga sinaunang tao: Matutulog muna sila ng 4 hanggang 5 oras tapos gigising. Mananatili silang gising ng 2 oras. Tapos matutulog sa ikalawang pagkakataon sa loob ng 4 na oras. Nasanay sila sa ganitong schedule ng pagtulog lalo na sa bansang may winter. Ang 2 oras na gising sila ay nakalaan para bantayan kung patuloy na nagdirikit ang apoy na nagpapainit  sa gabi at upang makaseguro na hindi magkakasunog. Sa pagdaan ng ilang libong taon, natanggal sa sleeping pattern ng mga tao ang “two sleeps” per night.

• 1-3% ng population ay tinatawag na “sleepless elite”. Ang mga taong ito ay natutulog lamang ng 6 na oras o mas mababa pa ngunit nananatiling masigla or “ totally functional”.

• Sapat na sa mga giraffes ang 5 to 30 minutes na tulog sa loob ng 24 hour period.

• Kapag tumigil na sa paghithit ang marijuana smoker, mararanasan niyang managinip nang maliwanag dahil bumabawi ang kanyang utak na maranasan ang REM sleep sa loob ng susunod ng 2 to 7 weeks. Ang regular marijuana smoker ay hindi nakakaranas ng REM sleep. Ano ang REM sleep? Rapid eye movement sleep or REM sleep ay nararanasan ng bawat indibidwal habang natutulog. It plays an important role in dreaming, memory, emotional processing, and healthy brain development.

• Mas malalim ang tulog ng penguin sa bandang hapon.

• Kung gagamit ng alarm clock, mas mabuti kung sa unang alarma ay gumising ka na. Mas paulit-ulit mo itong paaalarmahin, lalo lang lalalim ang iyong tulog at mas magiging mahirap ang paggising. (Itutuloy)

vuukle comment

SLEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with