Kapaki-pakinabang na paalaala
• Kapag ang yelo sa iyong inumin ay hindi lumulutang, huwag itong iinumin. May nakahalo rito na ikapapahamak mo.
• Hindi lahat ng asong nagwawagwag ng buntot ay friendly.
• Kapag ang tingin mo ay hindi gumagalaw ang tornado, paniguradong patungo ito sa kinaroroonan mo.
• Huwag mong ikukumpara ang iyong anak sa kanilang perfect cousins or intelligent classmates.
• Kung laging dinudugtungan ng salitang “joke lang” ang masakit na comment sa iyo ng kaibigan o pagkatapos gawan ka ng nakakapanakit na aksiyon, mas mainam na layuan mo na ang taong ito.
• Kung ang itinuturing mong friend ay walang tumatagal na kaibigan kahit man lang dalawang taon, asahan mong hindi ka rin magtatagal sa kanya.
• Kung ang friend mo ay mahilig mag-trash talk ng ibang tao tuwing magkukuwentuhan kayo, iyon din ang gagawin niya kapag nainis siya sa iyo.
• Ang mga taong hindi nang-iiwan ay ‘yung nakikiiyak sa iyo sa panahon ng iyong kalungkutan.
• Instant turn on sa mga babae ang lalaking mabango at may magandang ngipin.
• Ang tahimik na tao ay nagiging madaldal sa mga taong malapit sa kanyang puso.
• Kung nag-break kayo dahil nagtaksil ang babae, huwag kang magsasalita ng kahit ano. Basta’t lumayo ka lang nang tahimik. Remember: There’s a dignity in silence.
- Latest