^

Punto Mo

Babae sa Austria, nagulat nang makakita ng mga alakdan sa kanyang bagahe matapos magbakasyon sa Croatia!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Nattern­bach, Austria ang nagulantang nang malaman na may laman na 18 buhay na alakdan (scorpions) ang kanyang bagahe matapos manggaling sa Croatia.

Sa panayam sa hindi pinangalanang babae, sinabi nito na kauuwi lamang niya mula sa pagbabakasyon sa Croatia nang makita na may mga alakdan ang kanyang bagahe.

Ayon sa babae, inaalis niya sa pagkakaempake ang kanyang mga damit at iba pang gamit nang makita ang 18 alakdan—isa rito ay napakalaki samantalang ang 17 iba pa ay maliliit..

Dahil hindi alam ng babae ang gagawin sa mga alakdan, humingi ito ng tulong sa Tierhilfe Gusental, isang animal rescue service. Agad rumesponde ang mga ito at kinuha ang mga alakdan.

Dinala ang mga alakdan sa Linz animal shelter habang inaasikaso ang pagpapadala sa kanila pabalik ng Croatia.

Ayon sa Linz animal shelter, ikatlo na ito sa kaso ng alakdan na aksidenteng nadadala sa bagahe mula Croatia. Kaya iminumungkahi nila na bago mag impake ng gamit, siguraduhin na malinis ang luggage at walang naninirahan na hayop o insekto sa loob nito upang maiwasan na magkaroon ng hindi inaasahang “pasahero” sa bagahe.

vuukle comment

SCORPION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with