^

Punto Mo

Lalaki sa U.K., idinemanda ang isang food stall dahil sa kinaing sandwich na naging dahilan ng kanyang walang tigil na pag-utot!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa United Kingdom na kumain ng sandwich sa isang Christmas market noong 2017 ang nagreklamo na ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala siyang tigil sa pag-utot!

Noong 2017, bumili si Tyrone Prades ng ham sandwich mula sa isang food stall sa Christmas market sa Birmingham.

Ilang oras matapos kainin ang sandwich, nakaramdam siya ng stomach cramps, lagnat, pagsusuka at diarrhea. Limang linggo siyang naging bedridden dahil sa food poisoning.

Pagkatapos maka-recover mula sa pagkakasakit, nagsi-mu­la nang makaranas si Prades ng pagtunog ng tiyan at hindi mapigilang pag-utot na nagiging sanhi ng pagkapahiya sa mga tao sa kanyang paligid.

Limang taon matapos makakain ng contaminated na sandwich, idinemanda ni Prades ang may-ari ng food stall sa halagang 200,000 pound sterling.

Sa panayam sa abogado ni Prades, sinabi nito na dahil sa nakain na sandwich na may salmonella ng kanilang kliyente, nagulo ang buhay nito at hirap na itong lumabas ng bahay dahil sa walang tigil na pag-utot.

Ayon naman sa mga abogado ng kompanyang may-ari ng food stall na Frankfurt Christmas Market Ltd, kailangang patunayan ng mga abogado ni Prades ang claim nila na contaminated ng salmonella ang nakain nitong sandwich dahil ayon sa environmental health officer na nag-imbestiga limang taon na ang nakalipas, e.coli lamang ang natagpuan sa utensils ng foodstall noon.

FART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with