^

Punto Mo

Pamilya sa U.K., nagulat nang malaman na maling puntod ang kanilang binibisita sa loob ng 17 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa County Durham, England ang nagulantang nang malaman na hindi ang namayapa nilang ama ang nakalibing sa puntod na binibisita nila!

Sa loob ng 17 taon, ang buong akala ni Tom Bell at ng kanyang mga kapatid ay ang ama nilang si Thomas Bell ang nakalibing sa nabili nilang puntod sa Holy Trinity Church sa Wingate, County Durham.

Pero nang inaasikaso na nila na ilibing dito ang kanilang kamamatay lamang na ina, sinabihan sila ng sepulturero na ibang labi ang nakalibing sa puntod ng kanilang ama. Ayon sa sepulturero ng Holy Trinity Church, nagulat din sila na kabaong ng isang babae ang nakalibing sa puntod ni Thomas Bell.

Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang Diocese of Durham at natuklasan na ilang puntod sa sementeryo ng Holy Trinity Church ang nagkapalit-palit ng bangkay. Napag-alaman kasi na ang labi ng babae na nasa puntod ni Thomas Bell ay inilibing din 17 taon na ang nakararaan.

Nang hinukay ang puntod ng babae, ibang labi ang natagpuan dito. Dito nakumpirma na nagkaroon ng mix-up ang mga inilibing noong 2005.

May teorya ang management ng sementeryo na maaaring nagkamali ang mga nagtayo ng headstone at napagpalit-palit nito ang mga puntod dahil noong panahon na ito inayos nila ang graveyard map na posibleng nakapagpalito sa mga trabahador ng sementeryo.

Sa kasalukuyan, anim na puntod na ang nahukay sa sementeryo ngunit hindi pa matagpuan ang labi ni Thomas Bell.

GRAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with