^

Punto Mo

Obesity facts (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang isang paraan upang maiwasan ang obesity o labis na pagtaba ay nguyain ang pagkain nang daha-dahan. Mga 20 minutes ang hihintayin upang ma-sense ng utak na busog na siya.

• Noong 2013, natalo ng Mexico ang USA bilang “The Most Obese Nation”. USA dati ang nangunguna.

• Ang taong obese noong bata pa ay mahihirapang magpapayat kapag adult na dahil ang fat cells niya ay 5 times ang kapal, kumpara sa taong tumaba lang noong adult na siya.

• Ang nagiging medical condition ng pagiging obese na bata ay hika, sakit sa bato, orthopaedic diseases, depresyon at diabetes,

• Higit sa apat na milyong Amerikano ang tumitimbang ng 300 pounds.

• Mas maraming obese na babaing may asawa na walang trabaho at nasa bahay lamang kaysa kanyang counterpart na career women.

• French fried potatoes ang laging kinakain sa America bilang “vegetable”.

• Globally, higit sa 1.4 billion adults ang overweight noong 2008. Idineklara ng World Health Organization noong 2015 na ang  obesity ay “worldwide epidemic”.

• Ayon sa ginawang pag-aaral, maliit ang tsansang maging obese ang mga babaing may college degree. Malaki naman ang tsansang maging obese kung mababa lang ang pinag-aralan ng isang babae. Wala namang significant relationship ang obesity at pinag-aralan sa mga kala­lakihan. (Itutuloy)

OBESITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with