^

Punto Mo

Artwork na gumamit ng 14,400 piraso ng donut, nakatanggap ng Guinness World Record title!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grocery store sa Arizona ang nakatanggap ng Guinness World Record sa titulong “Largest Donut Mosaic” matapos silang makapag-assemble ng libu-libong donut para maging isang mosaic artwork!

Ang donut mosaic ay ginawa para sa paggunita ng 90th anniversary ng grocery store na Bashas. Ang Bashas ay matatagpuan sa Chandler, Arizona.

Gamit ang 14,400 piraso ng makukulay na donut, binuo ang logo ng Bashas kasama ang mga salitang “90 years”.

Ayon sa spokeswoman ng Bashas na si Ashley Shick, naisipan ng ma­nagement na ipagdiwang ang 90th anniversary ng kanilang grocery sa pamamagitan ng paggawa nang malaking donut mosaic artwork.

May sukat na 902 square feet ang donut mosaic ng Bashas na doble ang laki kumpara sa nakaraang largest donut mosaic record noong 2012 sa Ukraine.

Matapos makumpirma ng Bashas na hawak na nila ang Guinness record, ipi­namigay nila ang mga donut sa kanilang customers.

DONUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with