^

Punto Mo

Baba-presyo ng bilihin, taas-sahod hirit ng Pinoys sa bagong admin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pagpapababa sa presyo ng mga bilihin at ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ang siyang nais patutukan ng mas nakakaraming Pinoy sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Resulta ito sa isinagawang June 24 hanggang 27 survey ng Pulse Asia.

Base nga sa inilabas na survey results sa mga adult na Pinoy, sinasabing 57% sa mga ito ang nagsabing dapat na maaksiyunan ng pamahalaan na maibaba ang presyo lalo na ng mga panguna-hing bilihin.

Nasa 45% din sa natanong sa survey ang nagpahayag nang pangangailangan para maitaas ang sahod ng mga manggagawa.

Naitala nitong nakalipas na Hunyo ang mataas na 6.1 percent na inflation rate, na sinasabing pinakamataas mula noong Oktubre 2018.

Ito ang mga concern lalo na marahil ng mga ordinaryong Pinoy na sana nga raw ay agad  na masolusyunan ng kasalukuyang administrasyon.

Bagama’t ilang araw pa lang naman na nakaupo ang bagong administrasyon, pero umaasa ang maraming Pinoy na magbabago ang takbo ng kanilang buhay.

Kung tutuusin, wala pa man ang resulta ng ganitong survey, nauna nang nagpahayag din naman ng concern dito si PBBM.

Tinalakay na rin naman ito ng Pangulo sa kanyang gabinete partikular sa kanyang economic team.

Sa kanyang unang Cabinet meeting, ang pagpapalakas sa ekonomiya ang isa sa pinatututukan ng Pangulo, gayundin ang pagtugon o paghanap ng paraan para sa sinasabing posibleng food crisis.

Nakatuon dyan ang paningin ng marami nating kababayan.

Umaasa rin ang maraming Pinoy na, mabibigyan ng pansin ng Pangulo ang kanilang hiling at matalakay din ito sa kanyang nalalapit na SONA.

‘Yan ang ating aantabayanan!

 

SALARY INCREASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with