^

Punto Mo

Katotohanan tungkol sa buhay may asawa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Trabaho, responsibilidad sa mga anak, TV, Internet, social media, at pag-aasikaso sa bahay ang mga dahilan kung bakit 4 minuto na lang ang natitirang oras para magkasarilinan ang mag-asawa sa loob ng isang araw.

May mga mag-asawa na naging sila dahil kinaliwa nila ang kanilang mga dating asawa. Ayon sa U.S. research, 75 percent ng ganitong relasyon ay hindi nagtagal at nauwi sa divorce.

Ang marriage ceremony ay nagtatapos sa “kiss the bride” dahil ang halik noong unang panahon sa Rome ay nagsisilbing legal bond para maselyuhan ang isang kontrata. Ang kasal ay isang kontrata ng dalawang taong nagmamahalan.

Mataas ang panganib na magkahiwalay kung mas matanda ang babae kaysa lalaki. Maliit lang panganib ng paghihiwalay kung mas matanda ang lalaki kaysa babae.

Pagkatapos ng wedding ceremony sa tradisyon ng mga Italyano, ang mag-asawa ay magbabasag ng glass vase. Kung ilang pirasong ang lumabas sa basag na vase, iyon ang bilang ng taon na pagsasamahan ng mag-asawa.

Isa sa bawat tatlong American married couple ay bihirang mag-sex o zero sex.

Stress dulot ng divorce ay nagpapababa ng immune system na nagiging sanhi ng pagiging sakitin. Ngunit muling gumaganda ang kalusugan kapag muli silang nag-asawa.

(Itutuloy)

MARRIED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with