^

Punto Mo

Dahil sa matinding heatwave sa Japan, portable aircon na puwedeng isuot, mabenta sa mga Hapones!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 2020, ni-release ng isang kilalang Japanese electronics company ang gadget na Reon Pocket, isang wea­rable airconditioner!

Isinasabit sa ila­lim ng batok ang Reon Pocket at naglalabas­ ito ng malamig na hangin sa likuran kung saan madalas pinagpapawisan.

Succesful ang launching ng unang­ generation ng gadget na ito at nakabenta ng mahigit 10,000 units sa loob lamang ng da­lawang araw.

Ngayong 2022, ni-release ang third generation ng gadget na tinawag na Reon Pocket 3. Isa sa improvement kumpara sa 1st generation ay may motion detector na ito at nalalaman ng gadget kung saang parte ng katawan ibubuga ang malamig na ha­ngin. Dahil may Bluetooth na rin ito, maaaring  kontrolin ang Reon Pocket 3 gamit ang smartphone.

Headline ngayon sa mga Japanese TV networks at news websites ang nararanasang heatwave sa Japan. Uma­bot sa 40.2 degress celcius ang temperature sa Gunma prefecture at sinasabi na ang huling record sa ganito ka­init na temperatura ay noong 1875 pa.

Dahil dito, nagkakaubusan­ sa mga electronic stores ng Reon Pocket 3. Ayon sa spokesperson ng electro­nics company na gumagawa ng wearable aircon, inaasahan pa nila na mas magi­ging mabenta pa ito hanggang buwan ng Agosto kung kailan kasagsagan ng summer sa Japan.

Nagkakahalaga ng 14,850 Yen ang Reon Pocket 3 at wala pang balita kung kailan opisyal na ibebenta ito sa labas ng Japan.

 

AIRCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with