Kaalaman tungkol sa depresyon (Last part)
• Ang pasyenteng may depresyon ay nagkakaroon ng agoraphobia o takot lumabas para makipaghalubilo sa publiko.
• Sa buong mundo, ang depresyon ay ikaapat sa listahan ng nagiging dahilan ng kapansanan at maagang kamatayan ayon sa Global Burden of Diseases Study.
• Pangkaraniwang kinakapitan ng deperesyon ang may mga “eating disorders” kagaya ng anorexia nervosa, bulimia nervosa, at binge eating disorder.
• Ang matatandang nasira ang brain tissue dulot ng alta presyon, diabetes at high cholesterol ang mabilis magkaroon ng depresyon. Kaya upang maiwasan ang depresyon sa mga matatanda, dapat ay panatilihing tama ang timbang ng katawan, regular na mag-exercise at palagian ang pagpapa-check-up sa doktor.
• Madalas sipunin ang pasyenteng may depresyon kaysa walang depresyon.
• Base sa isang pag-aaral ang depresyon ay namamana ng anak sa magulang na may depresyon. Lumalakas ang tsansa na magkaroon din ng depresyon ang anak sa panahon ng kanyang adolescence at kapag adult na.
• Ang pagbubuntis, pagreregla, menopause at thyroid ay nagbubunsod din para madebelop ang depresyon sa isang babae.
• Ang depresyon ay nagagamot. Kung pababayaan, maaaring mauwi ito sa pagpapakamatay.
- Latest