^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala nang titikim sa ‘pastillas’?

Pang-masa
EDITORYAL - Wala nang titikim sa ‘pastillas’?

NASIRA ang imahe ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa ‘‘pastillas scheme’’. Wasak na wasak. Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala pang pinapangalanan si president-elect Ferdinand Marcos Jr. na mamumuno sa BI. Pinag-aaralan at pinag-iisipan pa niya nang mahusay kung sino ang iuupo. Kapag nagkamali siya sa pag-uupo ng BI chief, lalong malulubog sa katiwalian ang nasabing tanggapan.

Nang masibak ang 45 BI officials na sangkot sa “pastillas scheme” noong nakaraang linggo, naglagay na raw ng mga karagdagang closed-circuit television cameras sa international airports para raw hindi na mangyari uli ang suhulan. High-definition CCTVs umano ang nakalagay sa maraming lugar sa airport para malinaw na makita ang nangyayaring suhulan. Hindi raw makalulusot ang mga corrupt BI officials.

Maganda ang hakbang na ito. Pero sana, hindi na ibinrodkas pa ito. Sino namang opisyal ng BI ang gagawa ng katiwalian kung may nakatutok na CCTV? Siyempre wala.

Ang nasibak na 45 opisyal ay kapiranggot lamang. Maaaring may mga matataas pang opisyal na nakalusot at ngayon ay nag-iisip ng bagong modus. Hindi na gagamitin ang “pastillas” para makadikwat ng pera sa mga dayuhan. Ibang scheme naman ang ilalatag.

Matagal nang ginagawa ang pastillas scam sa NAIA pero nabulgar lamang noong 2017 nang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa pamamagitan ni Sen. Risa Hontiveros. Sa imbestigasyon, P40 bilyon ang naibubulsa ng mga corrupt BI officials dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa partikular ang mga Chinese. Sa ‘‘pastillas scheme” lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Tinawag na “pastillas” ang modus dahil ang perang ipinangsusuhol sa BI official ay binibilot na hawig sa “pastillas.

Minsan nang ipinatawag ni President Duterte ang mga corrupt BI officials sa Malacañang at pinagmumura. Hindi pa nasiyahan ang presidente, nagpabilot siya ng mga perang papel na kahawig na kahawig ng pastillas at saka binigay sa BI officials sabay sabi ‘‘Kainin n’yo yan! Di ba yan ang gusto n’yo?”

Nasira ang BI dahil sa ‘‘pastillas’’. Ang tanong ay may titikim pa kaya sa ‘‘pastillas’’ pagkaraan ng nakakahiyang pangyayari. Posible. Nakakatakaw kasi ang pastillas. Kaya dapat pang magmanman sa tanggapan. Ito ang gawin nang itatalagang BI commissioner.

PASTILLAS SCHEME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with