Batang babae sa UK na nakapaglathala ng sariling libro, nakatanggap ng Guinness World Record!
ISANG limang taong gulang na batang babae sa United Kingdom ang nakatanggap ng Guinness World Record dahil nakapaglabas ng sarili niyang aklat na siya ang may-akda at nag-drowing!
Kinumpirma ng Guinness na pinarangalan nila ang 5-anyos na si Bella J. Dark ng titulong “Youngest Person to Publish a Book (Female)” matapos makabenta ng mahigit 1,000 kopya ang libro niyang “The Lost Cat”.
Isa sa requirements ng Guinness upang makonsidera sa nasabing record title ay makapagbenta ng at least 1,000 copies ng libro.
Ang libro ay tungkol sa isang nawawalang makulit na kuting na umalis sa kanilang bahay nang hindi nagpapaalam sa kanyang ina.
Ayon sa ina ni Bella na si Chelsie, ideya lahat ng kanyang anak ang nilalaman ng libro at ang tanging tulong na ibinahagi niya dito ay ang maghanap at kumontak ng mga publishing house na maglalathala nito.
Dahil maraming nabentang kopya ang “The Lost Cat”, kasalukuyang ginagawa na ni Bella ang sequel nito na “The Lost Cat 2”.
- Latest