Kaalaman tungkol sa pagiging ‘vegetarian’(Part 4)
• Ang mga sikat na vegetarians ay sina Leonardo da Vinci, Henry Ford, Brad Pitt, Albert Einstein, Ozzy Osborne. Kasama sana si Hitler sa mga vegetarians pero pinagdedebatihan pa kung totoo.
• Ang isa sa mga naunang sikat na vegetarians ay ang Greek philosopher na si Pythagoras na nabuhay noong huling bahagi ng 6th century B.C. Sa katunayan, ang salitang “Pythagorean diet” ay naging common term para sa plant-based diet hanggang nauso ang salitang “vegetarian” na inimbento noong 19th century.
• Napag-alaman ng researchers mula sa Oxford, England, na ang meat-eaters ay doble ang tsansang magkaroon ng bato sa apdo kaysa non-meat eaters. Kasi ang high-fiber diet ng mga vegetarians ang nagpapababa ng panganib na sila ay magkaroon ng bato sa apdo.
• Ang first Renaissance figure na nanghikayat na maging vegetarian ang mga tao at mag-promote ng “kindness to animals” ay si Leonardo da Vinci. Ngunit kinontra ito ng ibang influential figures, kagaya nina Immanuel Kant at Rene Descartes, na hindi sila naniniwalang ang mga tao ay may ethical obligations sa mga hayop dahil ang mga ito ay nilikha para maging bahagi ng pagkain ng mga tao.
(Itutuloy)
- Latest