^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, gumastos ng 2-M yen para matupad ang pangarap na maging aso!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Japan ang naisakatuparan ang pangarap na magmukhang hayop sa halagang 2 million Yen (katumbas ng P823,000)!

Nag-trending sa Japanese netizens ang Twitter user na si @toco_eevee matapos niyang ipost ang kanyang litrato na suot ang makatotohanang costume bilang aso na “Colie” isang malaking breed ng aso.

Gawa ng kompanyang Zeppet ang costume ni @toco_eevee na inabot ng mahigit 40 araw para magawa ang costume.

Ayon sa isang local Japanese news outlet, kilala ang Zeppet na gumagawa ng mga sculpture para sa mga pelikula, TV dramas at commercial. Gumagawa rin sila ng costume at mga mascot ng amusement parks.

Sa panayam kay @toco_evee, napag-alaman na isa siyang pet lover kaya gusto niyang maranasan kung paano maging isang hayop. Pinili niya ang aso na Colie dahil isa ito sa malaking breed na magiging makatotohanan kapag sinuot niya ito bilang costume.

Bukod sa Twitter, mapapanood din si @toco_eevee sa Youtube kung saan makikitang suot niya ang kanyang costume habang sumasagot sa mga tanong ng kanyang subscribers.

ASO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with