^

Punto Mo

EDITORYAL – Paghandaan ang tag-ulan

Pang-masa
EDITORYAL – Paghandaan ang tag-ulan

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ­(PAGASA) noong Huwebes, opisyal nang pumasok ang tag-ulan. Ang pagdedeklara ng tag-ulan ay binase ng PAGASA sa limang sunud-sunod na pag-ulan sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa pagkakadeklara ng tag-ulan nararapat maghanda ang mamamayan sa mga problemang dala ng tag-ulan. Unang problema ay ang baha, sunod ang basura at ikatlo ay ang dengue. Ang tatlong ito ang mga nangungunang problema sa panahon ng tag-ulan particular sa Metro Manila. Ito ang pinapasan ng mamamayan taun-taon.

Hindi masolusyunan ang pagbaha sa Metro Manila. Marami nang ginawang proyekto na ginastusan nang malaking halaga subalit nananatili pa rin ang pagbaha. Kaunting ulan lang at baha agad. Kabilang sa mga kalye na laging binabaha ay ang Araneta Avenue sa Quezon City, España Blvd., Taft Avenue at Rizal Avenue sa Maynila.

Basura ang itinuturong dahilan kaya may pagbaha sa mga nabanggit na kalsada. Maraming basurang plastic sa drainages, estero at iba pang daluyan ng tubig. Wala nang umaagos na tubig sa mga estero at kanal dahil sa dami ng basurang plastic.

Ang mga walang disiplinang mamamayan ang dapat sisihin sa pagkalat ng basura. Tapon dito, tapon doon ang ginagawa nila kaya tumatambak sa mga daanan ng tubig. Hindi lamang mga plastic na basura gaya ng botelya ng softrink, cup ng noodles, sache ng shampoo, toothpaste tube, 3-in-1 coffee at nadagdag ang mga ginamit na face masks.

Kapag maraming tambak ng basura, dito namumugad ang mga lamok na nagdadala ng dengue. Paboritong tirahan at iniitlugan ng mga lamok ang basurang plastic na may tubig. Sa report ng Department of Health (DOH)  

idineklara na ang dengue outbreak sa Zamboanga City kung saan may naitala ng 900 kaso mula Enero 1 hanggang Abril 1, 2022. Sa bilang na ito, 11 na umano ang namamatay at karamihan ay mga bata. Bukod sa Zamboanga, may mga kaso rin ng dengue sa Davao Region, Western Visayas at Cagayan Valley. Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng katawan.

Ipagpatuloy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa drainages at estero upang maiwasan ang pagbaha. Magkaroon naman ng disiplina ang mamamayan sa pagtatapon ng kanilang basura lalo ang mga plastik na bumabara sa daluyan ng tubig. Maglinis ng kapaligiran para hindi mabuhay ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

RAINY SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with