Maliit na bayan sa U.S., napilitang mag-shutdown dahil nag-resign ang nag-iisang town clerk nito!
NAPILITANG mag-shutdown ang bayan ng Passadumkeag sa Maine, U.S. dahil ang nag-iisa nilang town clerk ay nag-resign dahil hindi inaprubahan ang kanyang vacation leave!
Itinalaga bilang town clerk ng Passadumkeag si Chriten Bouchard noong September 2020 matapos niyang pangasiwaan ang naging eleksyon sa kanyang bayan noong Nobyembre 2020.
Maliit na bayan lamang ang Passadumkeag na may populasyon na 356 katao kaya kaunti lamang ang tauhan sa town hall nito. Dahil dito, inako na rin ni Bouchard ang trabaho bilang deputy treasurer, fisheries and wildlife liaison, siya na rin ang taga-lisensya sa mga alagang hayop ng mga residente at taga-rehistro ng mga sasakyan.
Nag-file ng resignation si Bouchard noong Abril 7 matapos hindi aprubahan ang kanyang two-week vacation leave.
Sa pagkawala ni Bouchard, sarado at naparalisa ang operasyon ng town hall dahil walang mangangasiwa sa vehicle registration, inspection ng mga properties at walang tutugon sa mga report ukol sa mga rabid and abused animals.
Sa kasalukuyan, naghahanap pa rin ng kapalit ang bayan ng Passadumkeag sa papalit kay Bouchard.
- Latest