^

Punto Mo

Puwede pa bang bayaran ang tumalbog na tseke para hindi makulong?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-issue po ako ng postdated check bilang pamba­yad sa supplies na inorder. Puwede pa ba akong magbayad bago ako makasuhan kung sakaling tumalbog ang kahit isa sa mga tseke sakaling makalimutan kong lagyan ng pondo ang aking bank account? —Grace

Dear Grace,       

Bagama’t maaring basehan ng estafa o ng paglabag sa Batas Pambansa bilang 22 (BP 22) ang pag-iisyu ng talbog na tseke, hindi naman ibig sabihin nito ay may sala ka na kaagad kapag tumalbog ang tsekeng inisyu mo.

Bago kasi magkaroon ng krimen ng estafa o BP 22, kailangang alam ng nag-isyu ang pagtalbog ng kanyang tseke bago siya maturingang maysala.

Sa ilalim ng BP 22, binibigyan ang nag-isyu ng limang araw para magbayad matapos niyang malaman ang pagtalbog ng kanyang tseke. Pagdating sa estafa, may tatlong araw namang palugit ang nag-isyu upang kanyang bayaran ang halaga ng tseke matapos niyang malaman ang pagtalbog nito (People v. Ojeda, G.R. Nos. 104238-58 , June 3, 2004).

Base sa mga nabanggit, may tatlong araw ka matapos mong malaman ang pagtalbog ng iyong tseke upang mabayaran ang halaga nito bago masabing guilty ka ng estafa o ng paglabag sa BP 22.

BOUNCING CHECK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with