^

Punto Mo

Ambush-slay ni Yu, nag trigger sa pagsasara ng e-sabong?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

GO out and vote mga kosa! Pagkakataon na natin ito para masibak sa puwesto ang mga pulitiko na wala naman tayong napala kundi puro pangako. Vote wisely! Kasi kung hindi nasa huli talaga palagi ang pagsisisi. Dipugaaaaa!

• • • • • •

May kinalaman kaya ang ambush-slay ni Kenneth Yu sa agarang pagpasara ni President Digong sa e-sabong? Siyempre, kung ang kampo ni President Digong ang sasagot sa tanong na ito, eh di wala! Kasi nga igigiit nila na kaya ipinasara ang e-sabong dahil sa recommendation ni Interior Sec. Eduardo Año. Kaya lang, malakas ang suspetsa ng mga kosa kong sabong afficionado na ang pagpaslang kay Yu ang nagiging trigger para baguhin ni President Digong ang desisyon niya sa e-sabong.

Matatandaan na minabuti ni President Digong na hayaang magpatuloy ang operation ng e-sabong dahil sa P640 milyon na kita dito ng gobyerno. Subalit matapos ma-ambush si Yu sa Mandaluyong City noong Mayo 1, biglang nagpasya si President Digong na tuldukan na ang operation ng e-sabong. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hindi nahinto ang patayan sa e-sabong kahit hindi pa nalulutas ang kaso ng 34 missing sabungeros, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinasabi ng mga kosa kong Marites na sabungero na itong si Yu ay security officer-in-charge (OIC) ng isang gambling lord. Andun na siya nagtatrabaho sa amo niya kahit noon pang jueteng ang lakad nito. Dipugaaaaa! Nitong nakaraang mga taon, si Yu na ang taga-abot ng lingguhang intelihensiya ng gambling lord sa mga kausap niya sa gobyerno kaya masasabi kong putok na ang pangalan niya.

Ayon sa mga Marites na sabungero, ito palang si Yu ay Davaoeño at ang mga kaanak ay lumutang sa Palasyo para humingi ng tulong kay President Digong para magkaroon ng hustisya sa pagkamatay n’ya. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? 

Inutusan naman ni Criminal Investigation and Detection Group director Maj. Gen. Ely Cruz si Col. Randy Glenn Silvio, ang hepe ng CIDG National Capital Region na tutukan itong kaso ni Yu. Balak ni Silvio na imbitahan sina Alfie Torrida, 38, driver, at Rodel Teriote, 44, bodyguard, para magbigay ng salaysay ukol sa kaso ni Yu. Sina Torrida at Teriote ang naghatid galing sa Lipa, Batangas kay Yu sa tinitirhang condominium sa Mandaluyong City. Kakalap din ng testigo itong tropa ni Silvio, at hahagilap ng CCTV footages at baka may nakahagip sa mga suspects na sakay ng kotseng walang plaka. Itong ambush-slay kaya ni Yu ay mapabilang lang sa kaso ng 34 missing sabungeros na hanggang sa ngayon ay wala pang linaw? Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Nasabay pa sa Labor Day noong May 1 at May 9 elections itong kaso ni Yu kung saan masyadong busy ang ating kapulisan kaya’t maaring matagal bago n’ya makamtan ang hustisya. Dipugaaaaa! Hayyyyy! Sana matapos na itong kaso ng patayan sa pagkasara ng e-sabong. Tumpak! Abangan!

KENNETH YU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with