^

Punto Mo

Antigong rebulto na 2,000 years old, nabili sa second hand store sa murang halaga!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG rebulto mula sa ancient Roman empire ang nabili ng isang babae sa Texas sa halagang $35 (katumbas ng P1,800).

Noong 2018, namimili sa isang second hand thrift store si Laura Young nang makita niya ang isang ­rebulto na nagkakahalaga ng $34.99.  Kahit nakalapag lang ito sa sahig, napukaw nito ang pansin ni Young dahil halatang antigo ito at gawa sa marmol.

Dahil isang antique dealer si Young, agad niya itong binili dahil umaasa siya na malaki ang halaga nito. Nagtanung-tanong siya sa mga kakilala at nalaman niya na ang nabili niyang rebulto ay may dalawang milenyo o 2,000 years na ang tanda!

Ayon sa isang 100 year old German art museum catalog, ang rebulto ay si Drusus the Elder, isang Roman commander. Matagal nang hinahanap ang rebultong ito dahil bigla na lang itong nawala sa Pompejanum museum sa Aschaffenburg, Germany.

Ang haka-haka ng mga art historian, ninakaw ito ng isang Amerikanong sundalo noong World War II at dinala niya sa United States pagkatapos ng giyera.

Sa kasalukuyan, nakipag-ugnayan na si Young sa isang museum sa Germany upang ibalik ito doon. Tatanggap ng “finder’s fee” si Young bilang pabuya sa pagkaka­hanap niya at pagbalik niya sa nawawalang rebulto.

Bilang souvenir, nagpagawa si Young ng replica nito at idinisplay niya sa kanyang tahanan.

ANTIQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with