^

Punto Mo

Eksperimento sa puso ng baboy bigo?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NOONG nakaraang Enero 2022, napabalita ang ginawang operasyon kay David Bennett Sr., 57, ng Maryland, U.S. na kinabitan ng puso ng baboy. Pero tumagal lang nang dalawang buwan si Bennet dahil namatay siya noong Marso 8, 2022.

Si Bennett na merong malubhang sakit sa puso ang unang tao na kinabitan ng puso ng baboy. Pumayag siya sa operasyon dahil sa kakapusan ng human organ na maaaring ipalit sa puso niya at sa kabiguan niyang sumunod sa mga habilin ng duktor. Gayunman, ang puso ng baboy na ibinigay sa kanya ay genetically modified o yaong ang DNA (Deoxyribonucleic acid) ay binago para hindi ito tanggihan ng immune system ng isang tao. Kaya hindi ordinaryong baboy ang pinagmulan ng puso ng hayop na isinalin sa pasyente. 

Sa ginawang pag-aaral kamakailan, hinihinala ng mga scientist na isang virus na tinatawag na porcine cytomegalovirus na karaniwang tumatarget sa mga hayop ang ikinamatay ni Bennett bagaman iginigiit ng University of Maryland School of Medicine (UMSM) na umopera sa kanya na wala pang matibay na ebidensiya rito. Hindi umano natukoy ng mga dalubhasa ang naturang virus bago isinagawa ang operasyon kay Bennett.

Hindi malinaw kung bigo ang operasyon o kung tinanggihan ba ng katawan ni Bennett ang puso ng baboy. Nakakapagbigay sana ito ng pag-asa sa ibang mga tao na may mga malubhang karamdaman sa puso. Pero ang mga kontra sa ganitong operasyon ay nagsasabing maaaring ang mga lamanloob ng mga hayop ay makapaglipat ng virus sa tao.

Walang indikasyon kung ititigil na o ipagpapatuloy ang ganitong eksperimento. Pero, tiyak, magiging isyu ito sa ilang sektor ng lipunan na hindi matatanggap na mapalitan ng organ ng hayop ang kanilang lamanloob tulad ng puso, atay at kidney kahit pa nanganganib na ang kanilang buhay. Meron ding mga relihiyon na nagbabawal sa anumang pagkain o mga bagay na may kaugnayan sa baboy kaya asahan na ang pagtutol ng mga miyembro nito sa naturang operasyon na tinatawag na xenotransplantation. Nariyan din ang mga vegetarian at mga animal right activist na hindi na nakakagtaka kung tumutol  sila sa ganitong operasyon.

Pero hindi maitatanggi na maaaring makapagbigay ng pag-asa ang naturang eksperimento sa mga may malulubhang karamdaman sa puso. Isa rin itong paalala sa atin hinggil sa tamang pangangalaga sa ating puso lalo na at lubhang magastos ang pagpapaopera at pagpapagamot dito kapag nagkasakit.  Marami nang nagkalat na impormasyon hinggil sa mga sakit sa puso at kung paano maaaring makaiwas sa mga ito o paano magagamot. Gayunman, kahit makikita  sa search engine ng Google o mapapanood sa YouTube ang mga impormasyong ito, mahalaga pa rin ang pagkunsulta sa doktor.  

 

Email: [email protected]

PIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with