100 amazing secrets (Part 9)
81. Kung may bibilhin ka sa isang electronic store pero walang umaasikaso sa iyo, tumayo ka at tumapat sa pinakamahal na television, sa isang iglap, biglang may lalapit sa iyo para ka i-assist.
82. Kumain araw-araw ng pakwan. Nakakatanggal ito ng stress, nagpapasigla ng katawan at nakapagpapabilis ng metabolismo ng katawan.
83. Subukan ang bagong natuklasan ng mga eksperto para maging mahimbing ang pagtulog: Uminom muna ng tsaa bago matulog; matulog nang eksaktong 10:00 p.m. at magsuot ng pajama.
84. Huwag mahiyang umutot. Mabuti ito sa kalusugan at nakakapagpanormal ng mataas na blood pressure.
85. Sunburn? Balatan ang aloe vera at ilagay sa freezer hanggang tumigas na parang yelo. Ito ang idampi sa skin area na nasunog ng araw.
86. Para mahalata sa boses na may sakit ka kung tatawag sa office para magpaalam na aabsent: Humiga sa bed. Bahagyang ilaylay ang ulo sa gilid ng bed na parang nakabitin ito, saka magsalita sa phone.
87. Ngumuya muna ng chewing gum bago gawin ang isang bagay na nagpapanerbiyos sa iyo. Nagpapakalma ito ng kalooban.
88. Kung ang isang taong iniimbestigahan mo ay patigil-tigil ang pagsagot sa iyo, ganito ang gawin mo para magtuluy-tuloy siya sa pagsasalita: Huwag kang magsasalita pero manatiling nakatitig ka sa kanyang mga mata.
89. Bumili ng bahay malapit sa ospital or nasa kalye na may ospital. Ang lugar ninyo ang laging unang mabibigyan ng power kapag nagkaroon ng malawakang brownout.
90. Walang air conditioning? I-freeze ang tubig sa bote ng 1.5 softdrink. Mga tatlong bote nito ang itapat sa electric fan na ginagamit mo. Sa ganitong paraan, magiging malamig ang hangin mula sa electric fan.
- Latest