100 amazing secrets (Part 6)
51. Magtanim ng rosemary sa gilid ng entrance ng bahay. Bukod sa kapakipakinabang itong ingredient sa pagluluto, pinaniniwalaang nagtataboy ito ng bad spirit palabas ng bahay.
52. Habang pinakukuluan ang kaldereta, haluan ito ng calamansi juice mula sa dalawang piraso. Mas magiging malasa ang inyong niluluto dahil bubuhayin ng juice ang flavor ng mga ingredients.
53. Magpakulo ng black tea. Dalawang tea bag per one cup of water. Palamigin. Ito ang idagdag sa marinade ng barbecue or steak. Ang tsaa ay may tannins, isang natural na pampalambot ng karne.
54. Magandang taguan ng pera sa bahay na hindi mahahalata ng mga kawatan: Isingit sa loob ng cloth padding ng ironing board or “kabayo”.
55. Pangalawang magandang taguan ng pera: Ilagay ang pera sa sobre. I-tape ang sobre sa bandang gitna ng kalendaryo na nakasabit sa dinding.
56. Pangatlo: Ilagay sa plastic, ibalot sa aluminum foil. Itago sa ilalim ng mga gulay sa vegetable crisper ng refrigerator.
57. Sa iba’t ibang lugar itago ang pera upang kapag nabisto ang isa, hindi pa rin nila makukuha ang lahat ng pera.
58. Ang mga magnanakaw ay kumukuha ng kahit anong susi na makita nila sa bahay na pinapasok nila. Ito ay para may magamit sila kung sakaling maisipan nilang bumalik sa bahay upang magnakaw ulit. Huwag mag-iwan sa bahay ng kahit anong spare key.
59. Matatanggal ang pintura sa mirror/glass sa pamamagitan ng pagkuskos ng mainit na suka.
60. Huwag gagamit ng rubber band para ipangtali ng silverwares dahil nakakaitim ito. Gumamit ng ribbon.
- Latest