100 amazing secrets (Part 4)
31. Naubusan ng insect repellant? Puwedeng gamitin muna ang hairspray.
32. Paano tanggalin ang pen ink sa leather sofa? Ispreyan ang mantsa ng hair spray at kuskusin ng cotton cloth. Ulit-ulitin hanggang sa matanggal.
33. Para hindi kaagad malanta ang bulaklak sa flower vase: Ispreyan ng hair spray ang mga dahon.
34. Hindi mo maisuot ang sinulid sa butas ng karayom? Pahiran ng hair spray ang dulo ng sinulid. Patuyuin saka isuot sa butas ng karayom.
35. Ang taong regular na umiinom ng vitamin B-1(thiamine hydrochloride) ay hindi kakagatin ng lamok. Naaamoy ng lamok sa singaw ng Vitamin B-1sa balat ng tao. Nilalayuan nila ang mga taong nangangamoy Vitamin B-1.
36. Magtanim ng lemon grass or marigold sa inyong bakuran upang walang lamok na mamahay sa inyong paligid.
37. Kung magpapainit ng slice of pizza sa microwave oven, itabi dito ang isang tasang may tubig upang hindi maging makunat ang texture nito.
38. Pantanggal ng amoy sa plastic wares: Paghaluin ang baking soda at tubig hanggang sa ito ay maging paste. Ikuskos ang baking paste sa plastic at hayaan itong nakababad sa buong magdamag. Banlawan.
39. Para matanggal ang amoy ng sigarilyo sa kuwarto: Maglagay sa glass bowl ng suka. Iwanan ito sa isang sulok. Ibabad sa tubig na may baking soda ang ash tray ng ilang oras. Hugasan ng sabon at tubig.
40. Lagyan ng 1 kutsaritang baking soda ang tubig na pagpapakuluan ng itlog. Ang resulta ay magiging mabilis ang pagtuklap sa eggshell.
- Latest