^

Punto Mo

100 amazing secrets (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

21. I-freeze ang ubas para gamiting substitute sa yelo. Frozen grapes ang gamiting pampalamig sa alak. Mahahaluan ng tubig ang alak kapag natunaw ang yelo samantalang ang ubas, hindi.

22. Kung kinakailangang madaliin ang pagpapalamig ng de bote o de latang inumin, balutin ang bawat pirasong bote/lata ng basang paper towel at ilagay sa freezer. Sa loob ng 15 minutes, ito ay magiging ice cold.

23. Fresh apple juice ang mainam na pangtanggal sa balakubak.

24. Haluan ng kaunting olive oil ang dog food. Nakakakintab ito ng kanilang balahibo.

25. Kung masakit ang ulo, uminom at ubusin ang 2 basong tubig.

26. Paano maglagay ng eye drops sa mga toddlers: Pahigain ang bata. Utusang ipikit ang kanyang mata. Ilagay ang gamot sa corner ng kanyang mata, yung malapit sa bridge ng ilong. Panatilihing nakahiga siya. Utusang imulat ang mata. Pagmulat ng bata, kusang kakalat ang gamot sa mata ng bata.

27. Toothbrush ang ipangsuklay ng magulong kilay.

28. Mas mainam na pain (bait) sa daga ang pinaghalong peanut butter, oatmeal, chopped raisin plus lason sa daga. Mas mainam ito kaysa Dora dahil sa umpisa lang sila naaakit na kainin ito pero kapag nagtagal ay iniiwasan nila.

29. Haluin ang mga sumusunod at gamiting panglinis sa stainless steel sink: 1 part vinegar, 1 part hot water, 1/2 part baking soda. Ito ang ipangkuskos gamit ang basahan.

30. Para bumango ang loob ng refrigerator: Lagyan ng vanilla extract or banana flavor ang bulak. Ilagay sa isang sulok ng ref.

GRAPES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with