^

Punto Mo

Babae sa U.S. na may kasong pagnanakaw ng kotse, dumating sa court sakay ng 1 pang nakaw na sasakyan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 40-anyos na babae sa Dublin, California na kinilala sa pangalang Brandy Leigh Jones ang naka-­schedule noong Marso 28 para sa kanyang court appearance sa kasong pagnanakaw ng sasakyan.

Ngunit pagdating niya sa courthouse, laking gulat ng mga awtoridad na ang sasakyang kanyang minaneho patungo roon ay panibago niyang nakaw na sasakyan!

Ayon sa panayam sa Dublin Police Department Chief na si Garrett Holmes, umaga ng Marso 28 ay nakatanggap sila ng report na may ninakaw na isang van. Na-locate nila ang ninakaw na van sa East County Hall of Justice at gamit ang CCTV, nagulat sila na dumalo ng court appearance ang sakay nito na nagngangalang Brandy Leigh Jones.

Lalo silang nagulat na ang kasong dinidinig para kay Jones ay grand theft auto. Dahil dito, agad inaresto si Jones at dinala sa Santa Rita Jail. Dahil sa pangyayaring ito, naglabas ng public announcement ang Dublin Police Department sa kanilang official Twitter account na nagsasabing: “When making a court appearance after being arrested for stealing a car, DON’T show up in another stolen car”.

vuukle comment

SASAKYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with