^

Punto Mo

Sikat na singer sa Brazil, naospital dahil sa pagpigil ng utot!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING viral at pinag-usapan ang pagpapaospital ng isang sikat­ na popstar sa Brazil dahil pinipi­gilan nito ang kanyang pag-utot!

Nag-alala ang 15.7 million follo­wers ni Viviane de Queiroz Pereira o mas kilala sa stage name na Pocah nang i-post niya sa kanyang Instagram account na siya’y naospital.

Makikita sa kanyang Instagram post na siya’y nakaupo sa wheelchair na may nakasabit na IV bag. Pero ikinagulat ng lahat nang ipinaliwanag ni Pocah na ang dahilan ng kanyang pagpapaospital ay “accumulaton of trapped farts” o naipon na utot.

Ayon kay Pocah, nagising siya isang umaga na may severe stomach pain at agad siyang isinugod sa ospital. Napag-alaman na gas pain ang kanyang nararanasan dahil sa trapped gas.

Sa kasalukuyan, maayos na ang lagay ni Pocah at ikinuwento niya sa kanyang Instragram account na ang dahilan ng naranasan niyang gas pain ay pinipigilan niyang umutot tuwing kasama niya ang kanyang boyfriend. Pero sa ngayon ay natuto na siya na huwag ikahiya ang pag-utot.

vuukle comment

FART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with