^

Punto Mo

Iskandalong kinasangkutan ng mga kilalang tao (Part 1)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Mahatma Gandhi

Ang tunay na pangalan ni Gandhi ay Mohandas Karamchand Gandhi. Ang Mahatma ay isang titulo na ikinabit na lang sa kanyang pangalan nang maging sikat siya o naging bayani sa mata ng kanyang mga kababayan. Ang ibig sabihin ng Mahatma ay Great Soul.

May isang libro na sinulat ng kanyang dalawang apo na naghubad sa tunay na pagkatao ng kanilang lolo. Sa kabila ng pagsisiwalat ni Gandhi sa publiko na iniiwasan na niya ang sex bilang proseso tungo sa paglilinis ng kanyang pagkatao, siya ay may kalokohan pa ring ginagawa.

Nag-iimbita siya ng mga teenager na babae (16-anyos) para matulog nang hubo’t hubad sa kanyang tabi. Ang dahilan ni Gandhi, iyon daw ay upang ma-testing niya ang self-control sa babae kahit pa ito ay hubo’t hubad.

Minsan ay mismong 12-anyos na apo sa pamangkin (grandniece) ang pinatulog niya sa kanyang tabi nang hubo’t hubad. Ang dahilan ng lolo ay upang maitama nito ang masamang posture ng apo.

Ang iba pang masasamang ugali ni Mohandas Gandhi na isiniwalat sa librong isinulat ng mga apo ay ang mga sumusunod:

1. Nananakit ng asawa

2. Habang naghihingalo ang ama sa itaas ng kanilang bahay, ang anak na si Mohandas Gandhi ay busy sa pakikipag-sex sa ibang babae sa ibaba ng kanilang bahay.

3. Habang kasal sa kanyang legal na asawa ay nagpakasal siya sa dalawang British woman.

4. Tinanggihan niyang sipingan ang legal na asawa sa loob ng ilang dekada dahil nasa “cleansing process” siya kuno pero ang totoo pala ay kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa.

5. Pinayuhan ni Gandhi ang Jews na magpakamatay na lang. Isa ito sa nilalaman ng sulat niya kay Hitler na best friend pala niya.

Source: Gandhi Unmasked (mohandasgandhi.wordpress.com)

ALARM AND SCANDAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with