Sari-saring household tips (Last part)
• Impulse buyer ka ba? Kapag may gustung-gustong bilhin, ipagpaliban ng one week ang pagbili. Kung nakalipas na ang isang linggo at atat ka pa rin bumili ng bagay na nagustuhan, then, saka mo bilhin. Pero kung ayaw mo na, mabuti at nakatipid ka.
• Iwasang magpagupit ng buhok isang araw bago ang big event. Paano kung pangit ang naging gupit sa iyo? Wala nang oras para magawan ito ng paraan.
• Kahit pagod na pagod ka na, hugasan ang mga pinggan at linisin ang kitchen bago matulog. Ang malinis na kitchen pagkagising ay nakakaganda ng pakiramdam upang simulan ang iyong araw.
• Mas mataas ang tsansang magkaroon ng pulmonary diseases ang mga regular na gumagamit ng air freshener. Ang air freshener ay naglalabas ng mapaminsalang kemikal na nagiging sanhi ng cancer, abnormality sa mga sanggol at pagkabaog.
• Kailangang kumain ng dalawang pirasong citrus fruits araw-araw hindi lang para huwag sipunin kundi para bumagal ang pagkulubot ng balat pagsapit ng 50 pataas.
• Upang hindi humawa sa plastic container ang kulay ng tomato based sauces, ispreyan muna o pahiran ng cooking oil ang loob ng container bago isalin ang sauce.
• Para tumigil ang pagkati ng kagat ng lamok, sabunin ang area na nakagat at hugasan ng tubig. Pagkatapos ay pahiran ng white toothpaste.
- Latest