^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., nakaranas ng mga kamalasan dahil sa nabiling painting ng 2 manika sa flea market!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BILANG kolektor ng mga “weird” at kakaibang mga bagay, naakit si Dan Smith na bilhin ang painting ng dalawang manika na diumano’y may dalang sumpa sa magmamay-ari nito!

Ayon kay Smith, bago niya ito bilhin ay binigyan siya ng babala ng matandang nagbebenta nito. Sabi sa kanya ng seller, isa itong haunted painting at tagadala ng kamalasan.

Pero imbis na matakot, lalo pang naengganyo si Smith na bilhin ito. Sa halagang $50, gusto niyang subukan kung may katotohanan ang mga sinasabi ng matanda.

Unang gabi pa lamang ng painting sa kanyang ­tahanan ay naramdaman na niya ang sinasabing masamang epekto nito. Nahirapan na siyang makatulog, isang bagay na hindi naman niya problema dati.

Nang mga sumunod na araw, puro kamalasan na ang naranasan niya tulad ng natuklasan niyang insect infestation sa kanyang pader at ang pagkamatay ng alaga niyang hamster.

Dahil dito, agad siyang nagpasya na ibenta ito sa online auctioning site na eBay. Nang tinanong siya kung bakit hindi na lang niya ito itapon o sunugin, naisip niya na baka lalo siyang malasin kung susunugin niya ito. Kung itatapon naman niya, baka malasin ang susunod na makapulot nito. Kung sa eBay niya ibebenta, at least ay makakapagbigay siya ng babala sa bibili nito.

Nagsimula ang bidding price ng haunted painting sa halagang $50. Sa kasalukuyan, nasa $1,625 na ang current bid dito at posible pang tumaas sa mga susunod na araw.

 

DAN SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with