^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag magkumpul kumpol nasa paligid pa ang virus

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag magkumpul kumpol nasa paligid pa ang virus

DUMAMI ang mga pasahero sa public utility vehicles (PUVs) mula nang ipatupad ang Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 lugar noong Martes. Apaw na ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). May mga nakatayo na. Pati mga bata nakikisiksik. Buhos ang mga tao na walang ipinagkaiba noong hindi pa tumatama ang pandemya..

Sa mga dyipni, mayroon nang mga nakasabit at dikit-dikit kahit sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na bawal ang sabit. May mga nakatayo na rin sa mga pampasaherong bus kahit sinabing bawal ang sobrang pasahero at wala dapat nakatayo.

Marami na ring traysikel ang namumulaklak sa pasahero. Lima ang sakay na pasahero at hindi na naipatutupad ang physical distancing. Kapansin-pansin din na ang mga pasahero at mismong traysikel drayber ay walang face mask.

At ang ganitong senaryo ang kinatatakutan ng health experts. Sabin g medical frontliners, maaaring magkaroon ng surge ang COVID-19 dahil sa pagluluwag na ipinatutupad sa Metro Manila at marami pang lugar. Nakababahala umano ang paglabas ng mga tao dahil sa pagluluwag ng restrictions.

Ayon kay Philippine College of Physicians president Maricar Limpin sa isang interview, noong mag-Alert Level 2 noong nakaraang Disyembre, bigla ring dumami ang mga tao at ang resulta, biglang tumaas ang kaso. Ayon pa kay Limpin, makikita ang epekto ng pagluluwag sa loob ng dalawa o tatlong linggo. Sa loob ng panahong ito makikita ang bagong pagtaas ng infection. Kapag nangyari ang muling pagtaas ng COVID, ang mga frontliner na naman ang kawawa sapagkat hanggang sa ngayon daw ay wala pang pahinga ang mga ito.

Dahan-dahan lang muna sa pagkukumpulan. Bagamat bumababa na ang mga arawang kaso, nananatili pa rin sa paligid ang virus at maaaring dumami muli ang kaso. Sumunod sa ipinag-uutos na patuloy na mag-face mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing. Huwag munang magkampante sa ngayon sapagkat nasa paligid pa ang virus at nag-aabang nang makakapitan particular ang mga hindi bakunado.

 

METRO RAIL TRANSIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with