^

Punto Mo

Pinakamatandang bahay-inuman sa Britain nagsara matapos ang 1,229 years!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 1,229 year old pub o bahay-inuman sa Great Britain ang nagsara dahil sa problemang pinansyal na dulot ng COVID-19 pandemic.

Inanunsyo sa official Facebook page ng Ye Olde Fighting Cocks pub na permanently closed na ang kanilang establisimento dahil hindi na nila kinaya ang financial difficulties na pinalala ng pandemya.

Matatagpuan ang Ye Olde Fighting Cocks pub sa St. Albans, England. Ayon sa official website, nagsimulang maging bahay-inuman ito noong Year 793 kaya ito ang kinikilalang pinakamatandang pub sa Great Britain.

Ayon sa isang news article, Mitchell’s & Butlers, isang brewery, ang bagong nagmamay-ari ng building kung saan nakatayo ang pub. Sa panayam sa nasabing brewery, may posibilidad na ibalik nila ang pub sa mga susunod na taon.

BRITAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with