^

Punto Mo

Ineksiyon at eleksiyon malaking kunsumisyon?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

UMALAGWA ang pangalan ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta dahil ayaw nitong magpabakuna at hinihintay daw nito ang paglabas ng “protein based vaccines” na sa kanyang pagkakaalam ay mas nararapat sa tulad niyang may edad na. Hindi naman pala kumukontra sa bakuna si Acosta,  namimili lang nang angkop na bakuna para sa tulad niyang may nararamdaman na rin sa kalusugan. Tama po ba?

Pumapel naman sina Senators Leila de Lima at Franklin Drilon sa isyu at pinayuhan si Acosta na magpabakuna dahil baka maiimpluwensiyahan nito ng negatibong kaisipan ang mga wala pang bakuna at malagay sa peligro ang kalusugan nang marami. Marapat lamang, ayon kay Drilon at De Lima na mag-resign at iwanan nito ang pagiging public official dahil isa siyang halimbawa ng isang hindi masunurin sa patakaran ng gobyerno.  Hello Tekla, naiintindihan mo ba ang sinasabi ni Ate?

Kumakandidatong muli sa pagka-senador si De Lima kahit nasa kulungan kaya naging tampulan tuloy ng biro ang  isyu ng magkatunog na “ineksiyon at eleksiyon” na nagkataon lang, pero at least, napag-usapan naman si De Lima di ba?

Naging kontrobersiyal noon si Acosta dahil sa pagtatanggol nito sa mga magulang na namatayan ng anak matapos diumanong mabakunahan ng Dengvaxia.  May phobia ba si Acosta sa bakuna o ipinararamdam lamang nito ang karapatan niya? He-he-he!

Mahigit 50% na sa 110 million na populasyon ng bansa ang bakunado at patuloy pang ­inaayudahan ito ng vaccine boosters upang makumpleto raw ang proteksiyon ng mamamayan laban sa sakit. Malaking halaga pa ang kakailanganin ng bansa upang marating ang bilang ng dapat mabakunahan, samantalang salat na sa pananalapi ang gobyerno dahil sa napakaraming obligasyon na nakaatang sa pamunuan natin. Humina pa ang negosyo na pinagkukunan ng buwis na pinanggagalingan ng pondo.

Ang nalalapit na May 2022 presidential election ay punumpuno ng rekado mula sa isyu ng katiwalian sa gobyerno, diskuwalipikasyon ng kandidato, nagpopondo sa kandidato na ang sobra ay naibubulsa nito, intriga sa pagkatao at maging ang pagka-bulol ng kandidato. Ang importante ay huwag lang gawing isyu ang “ineksiyon sa eleksiyon”, baka kasi malito ang mamamayan. Delikado!

PERSIDA ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with