Psychological facts
• “Romeo and Juliet” effect ang tawag sa sitwasyong lalong umaalab ang pag-iibigan ng lalaki at babae habang may tumututol sa kanilang pagmamahalan.
• Nakakaakit din sa ibang babae ang lalaking pangahan at may cheekbone.
• Para manatili ang alab ng pagmamahalan, ipinapayo ng mga therapists ang sumusunod: makinig lagi sa sinasabi ng partner; magtanong; magbigay ng opinion; appreciate; manatiling attractive; grow intellectually; ibigay ang kanyang privacy; maging honest; sabihin ang iyong kailangan; patawarin ang kanyang pagkukulang; ibigay ang kaukulang pagrespeto; huwag mananakot na lalayasan siya; iwasan ang pangangaliwa at iaplay ang “variety” sa inyong activities kasama ang sex.
• Mabuti pang prangkahin ng isang babae na gusto niya ang lalaki kaysa magparamdam lang ito. Kadalasan, mahinang “bumasa” ang lalaki sa paramdam ng babaeng may gusto sa kanila.
• May gusto siya sa iyo kung matagal pa sa 8 seconds ang pagtitig niya sa iyong mga mata.
• Kapag in love ang isang tao, hindi niya nakakalimutan ang iyong napanaginipan.
• Ayon sa mga researchers ng Harvard University: Ang taong mabilis maabala kahit kaunting ingay lang ay mas malikhain.
• Ang mga taong regular na lumalabas ng bahay sa umaga para maarawan at makalanghap ng preskong simoy ng hangin ay masaya sa kanilang buhay.
• Ang mga taong may low self esteem ay may 80 percent na tsansang maging pintasera. Sa ganitong paraan lang sila nagkakaroon ng satisfaction para magkaroon ng pakiramdam na mas magaling sila kaysa ibang tao.
• May dulot ding maganda ang pakikipagtsismisan. Nakakapagpalabas ito ng chemical sa ating utak na nagiging dahilan para sumaya ang isang tao at humaba ang buhay.
- Latest