Etiquette rules
• Respect your Boss. Huwag magtse-check ng personal devices sa oras ng meeting kung saan kasama siya.
• Isang characteristic ng mabuting host, huwag mong papayagang mag-drive pauwi ang guest mong lasing.
• Wedding gift rule sa bride at groom: Don’t ask for cash.
• Sunglasses etiquette: Tanggalin mo ito kung may kakausapin ka.
• Party etiquette: Huwag darating sa party na wala kang bitbit: wine, or dessert na puwede ninyong pagsaluhan.
• Dog walking etiquette: Kahit nasaan ka, damputin at itapon ang duming ikinalat ng iyong aso.
• Diaper changing etiquette: Sa mall, may nakalaang lugar para dito sa lady’s room. Huwag kang magpalit ng diaper sa dining table. Minsan may nakita akong nagpapalit ng diaper sa table sa food court.
• Kahit napansin mong may puntong probinsiya ang iyong kausap, huwag na huwag mong itatanong kung saan probinsiya ito nanggaling. Malalaman mo rin ito habang tumatakbo ang inyong kuwentuhan.
• Huwag gumamit ng ALL CAPS sa email.
• Kung magpipisa ng calamansi o lemon, takpan ito ng kamay dahil baka sumirit ang juice sa katabi mo.
• Kung kumakain ka at nais mong uminom, punasan muna ang labi bago uminom para hindi magkaroon ng stain ang baso.
• Huwag magpabalot ng tira sa business lunch or dinner. (Itutuloy)
- Latest