‘Magnetic man’ ng Iran, pinarangalan ng Guinness matapos magbalanse ng 85 kutsara sa katawan!
ISANG 50-anyos na lalaki sa Iran ang pinarangalan ng Guinness World Records ng titulong “Most Spoons Balanced on the body” nang makapagbalanse ng 85 kutsara sa kanyang katawan.
Simula pa noong kanyang kabataan, talent na ni Abolfazl Saber Mokhtari ang magbalanse ng kutsara. Aksidente niyang natuklasan ang kakayahang ito noong siya’y kumakain habang walang suot na damit pangtaas. Simula noon, nalaman niya na kaya niyang balansehin ang kutsara sa kanyang katawan.
Ayon kay Mokhtari, kilala siya sa kanilang lugar sa Karaj, bilang si “Magnetic Man” dahil bukod sa kutsara, kaya rin niyang magbalanse ng iba’t ibang klase ng mga kagamitan tulad ng baso, cell phone, susi at kung anu-ano pa.
Dagdag pa ni Mokhtari, ang sikreto niya sa pagbabalanse ay ang abilidad niya na mag-focus. Sa tulong ng pagpo-focus ng kanyang isipan, nalilipat niya ang kanyang energy sa bagay na idinidikit niya sa kanyang katawan kaya nakakapagbalanse ito.
- Latest