^

Punto Mo

10 dahilan kung bakit hindi makatulog sa gabi (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

6. Makalat ang kuwarto- Ayon sa American Psychological Association,  nakakagulo ng isipan ang makalat na kuwarto. Huwag ilagay ang computer sa bedroom. Natuklasan ng mga Japanese researchers na ang liwanag mula sa monitor ay pumipigil sa katawan natin na mag-produce ng melatonin. Ito ang hormone na responsable para tayo antukin.

7. Nagkalat na liwanag sa bedroom- Kahit ang kapirasong liwanag na nagmumula sa alarm clock, street lamp, cell phone ay nakakaabala sa pagtulog dahil pumapasok pa rin ito sa retina kahit ka nakapikit. Gumamit ng eye mask para maharangan nito ang liwanag na papasok sa mata.

8. Sensitive sa ingay- Kahit ang hulog ng karayom ay naririnig. Ayon kay Thomas Roth, director ng Sleep Disorders and Research Center ng Henry Ford Hospital sa Detroit, ang mahinang ugong (white noise) ng electric fan o aircon ay nakakatulong para mapagtakpan nito ang ingay na masakit sa tenga o nakakagulat. Ang totoo, hindi ingay ang nakakagising kundi ang pabagu-bagong tunog na pumapasok sa tenga—maingay tapos mamaya tahimik. Kung ang white noise na tinatawag ang consistent na maririnig, ito ay hindi makakaabala sa natutulog.

9. Maraming “dust mites” sa higaan- Lumang higaan ang madalas pamahayan ng dust mites. Hindi ka makatulog dahil sa kakakamot ng balat na kinakagat ng dust mites. Kung nabubura na ang print ng inyong kutson, oras na para bumili na ng bago.

10. Pinatutulog ang pets sa kuwarto.

                                                           

SLEEP DISORDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with