^

Punto Mo

Bakit ayaw tumawag ng mommy ng aking stepdaughter?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

(Mula sa kuwento ng stepmother na nagtatago sa pangalang Peachy)

MAHIRAP basahin ang nasa isip ng isang anim na taong gulang na bata — si Bebet — anak ng aking asawang si Jeff sa una niyang asawa na namatay sa breast cancer. Isang lumalagutok na Peachy ang tawag niya sa akin. Okey lang sa akin. Pero sa mga kaibigan ko at kamag-anak ay nakaka-turn off daw. Kawalan daw iyon ng respeto.

Gusto kong bigyan ng kalayaan ang bata na pumili kung saan siya komportable: Mommy, Mama, Tita or just plain Peachy. Pinili niya ang huli, na tawagin ako sa aking first name. Lumaki siya sa US at sa ilalim ng pangangalaga ng inang American. Bata iyan, sa isip ko, kaya ako ang dapat mag-adjust. Hindi na nga komportable na magkaroon ng bagong asawa ang kanyang ama, tapos, bigla siyang ititira sa Pilipinas na malayo sa bansang kinagisnan niya…diyata’t dadagdagan ko pa ang pagiging uncomfortable niya sa pagdikta rito kung ano dapat ang itawag sa akin?

Boyfriend ko si Jeff noong high school. Nag-break kami. Nabalitaan kong natanggap sa US Navy at nagkaasawa ng Amerikana. Pero nang mabiyudo, umuwi sa Pilipinas kasama ang kaisa-isang anak para siya na ang mamahala sa poultry at piggery farm na pag-aari ng kanyang pamilya. Nagkataong na-stroke ang kanyang biyudang ina. Dalawa lang silang magkapatid. Madre pa ang isa kaya wala siyang choice kundi bumalik sa Pilipinas. Sa iisang bayan lang kami nakatira kaya hindi maaaring magkita at muling ipagpatuloy ang naudlot na love story.

Minsan habang inihahanda ko ang ingredients para sa gagawin kong choco cookies, lumapit si Bebet sa akin.

“Can I help you Peachy? I also want to cook.”

“Sure.”

Habang iniaabot nito isa-isa ang ingredients sa akin, may sinabi ito sa akin.

“When I say Peachy, I mean Mom.”

“That’s nice to know. Thank you.”

“I’m afraid that you will die too if I call you Mom. It’s safer if I call you Peachy. I don’t want you to go like my Mom.”

Napaiyak ako. Napahikbi. Natutuhan na pala akong mahalin ni Bebet.

MOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with