^

Punto Mo

Sinilang na kambal, nagkaiba ang birthday dahil inabot ng pagsapit ng New Year ang isa sa kanila!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BIHIRA ang kambal na magkaiba ang araw ng birthday pero wala nang mas bibihira pa sa kambal na magkaiba ang taon ng kapanganakan!

Ipinanganak ni Fatima Madrigal ang kanilang baby na si Alfredo sa California noong 11:45 p.m. ng December 31, 2021. Pagpatak ng 12:00 a.m., sumunod na iniluwal ni Fatima ang kakambal ni Alfredo na si Aylin. Kaya ang birthday ni Aylin ay Enero 1, 2022.

May bigat na 5 lbs si Aylin at siya ang kauna-unahang baby na ipinanganak sa Natividad Medical Center sa taong 2022.

Isang pambihirang pagkakataon na ang kambal na sanggol ay ipinanganak sa magkaibang taon. Ayon sa estimate, isa sa dalawang milyong pares ng kambal lamang nangyayari ito.

Ayon kay Dr. Ana Abril Arias, nagpaanak sa kambal, isa ito sa pinaka-memorable na pangyayari sa kanyang career.

NEW BORN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with